Add parallel Print Page Options

50 Sinabi ng Panginoon sa kanyang mga mamamayan, “Ang Jerusalem[a] baʼy itinakwil ko gaya ng lalaking humiwalay sa kanyang asawa? Patunayan ninyo![b] Ipinabihag ko na ba kayo tulad ng isang taong ipinagbili bilang alipin ang kanyang mga anak sa pinagkakautangan niya, para ipambayad sa utang? Hindi! Kayo ay ipinagbili dahil sa inyong mga kasalanan. Itinakwil ang Jerusalem dahil sa inyong mga pagsuway. Bakit hindi ninyo ako pinansin noong dumating ako? Bakit hindi kayo sumagot noong tinawag ko kayo? Hindi ko ba kayo kayang iligtas? Kaya ko ngang patuyuin ang dagat sa isang salita lang. At kaya kong gawing disyerto ang ilog para mamatay ang mga isda roon. At kaya ko ring padilimin na kasing-itim ng damit na panluksa[c] ang langit.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 50:1 Ang Jerusalem: sa literal, Ang inyong ina.
  2. 50:1 Patunayan ninyo: sa literal, Nasaan na ang kasulatan ng paghihiwalay?
  3. 50:3 damit na panluksa: sa Hebreo, sakong damit.